NEWS UPDATES

Barangay sa Kabacan, 100% apektado ng dry spell ang pananim

by: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 18, 2015) ---Nanawagan si Brgy Tamped Kapitan Daniel Saliling ng tulong sa lokal na pamahalaan at sa lalawigan upang bigyan ng pansin ang nararanasang tagtuyot sa kanilang baranggay.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal na sana’y bigyan sila ng kaunting tulong.

Ipinaliwanag din ng opisyal na isandaang porsyiento ng kanilang tanimang sakahan sa brgy Tamped ang apektado ng tagtuyot. 


Di na umano pwedeng mapakinabangan ang mga tanim partikular na ang pananim na mais at saging dahil sa tinamaan na ito ng matinding tag-tuyot.
Halos dalawang buwan na rin kasing di umuulan.

Nasa vegetative at productive stage na ang mga pananim na apektado ng tagtuyot.


Dagdag din ni Kap Saliling na wala umano silang magagawa na alternatibo kundi maghintay ng tulong mula sa gobyerno. 

Aniya walang palayan sa kanilang baranggay dahil ito ay nasa upland area hindi rin irrigated. Nasa mahigit kumulang isandaang ektarya umano sa kabuuan ang apektado ng tag tuyot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento