NEWS UPDATES

Tulak Droga, tiklo!

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2015) ---Kalaboso at naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang isang lalaki makaraang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang Mobile Chokepoint ng Kabacan PNP sa Lapu-lapu St. Purok Crislam, Brgy. Poblacion Kabacan Cotabato alas 5:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na isang Saba Ebrahim.

Nakuha mula sa suspek ang 3 sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang piraso ng aluminum foil.


Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Kabacan PNP Lock-up Cell ang suspek at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento