NEWS UPDATES

SB Kabacan handa na kung sakaling makapagpasya ang iba’t-ibang tribu ng maaaring iindorsong Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) ng bayan

(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2015) ---Handa na ang Sangguniang Bayan ng Kabacan kung sakaling makapagpasya ang iba’t-ibang tribu ng iindorsong Indigenous People’s Mandatory Representative o (IPMR) ng bayan.

Ito ay matapos magtipon-tipon ang mga matatanda at lederes ng iba’t-ibang tribu ng Kabacan para sa isang Municipal Indigenous People Orientation and Consultative Assembly kahapon ng umaga sa Municipal Gymnasium.

Ito ayon kay Chairman on Social Welfare, Sangguniang Bayan Members Rhosman Mamaluba sa eksklusibong panayam ng DXVL News.

Aniya may nakalaan na umanong salary and wages ang SB Kabacan para sa magiging representante ng Indigenous People’s Group dito sa bayan at lahat umano ng tribu sa naturang bayan ay magkakaisa sa pagpili ng magiging representante.

Labis-labis rin ang pasasalamat ni Councilor Mamaluba dahil sa wakas ay naumpisahan na umano ang proseso ng pagkakaroon ng representante galing sa katutubong grupo ng Kabacan. Lynneth A. Oniot


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento