NEWS UPDATES

Pinay Nurse na tubong Kabacan na sinasabing suspected Mers-cov Courier, nag-negatibo sa nasabing sakit

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2015) ---Matapos ang ilang araw na pagbabantay at pag-oobserba sa Davao Medical Center o DMC sa isang Pinay Nurse na taga-North Cotabato, nag negatibo na ito sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MERS-CoV.

Ito ang inihayag sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.


Batay sa ulat, una kasing nakitaan ng ilang sintomas ng Mers-Cov ang Pinay Nurse na residente ng Kabacan kagaya ng lagnat, pag-ubo at hirap sa paghinga.

Napag-alaman na humina ang kanyang resistensiya matapos ang mahabang biyahe maliban pa sa buntis ito at asthmatic, ayon pa kay Cabellon.

Ang OFW na Pinay Nurse ay galing ng Riyadh sakay ng Flight 860 at umuwi sa bayan ng Kabacan ngayong buwan.

Pinawi naman ni Cabellon ang pangamba ng publiko hinggil sa nasabing sakit dahil ang Kabacan at Mers-Cov Free pa rin, ayon sa ulat. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento