NEWS UPDATES

Paghihiwalay ng USM KCC sa USM Main Campus, isinusulong ng isang kongresista sa North Cotabato

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 2, 2015) ---Nagpasa ng House Bill No. 1077 si Congresswoman Nancy Catamco para sa paghihiwalay ng USM-KCC sa USM Main Campus.

Ito ayon kay USM-KCC Dean, Dr. Luz Tapusok sa panayam ng DXVL News.

Aniya, kung maghihiwalay umano ang USM-KCC sa USM Main Campus ay papangalanan itong North Cotabato State College.


Ang magiging adbentahe umano nito ay ang pagiging Autonomous, pagkakaroon umano ng sariling budget, structure ng isang State College at ang paghihiwalay ng operation nito sa USM Main.

Dagdag pa niya hindi naman siguro magiging malaking kawalan sa USM Main Campus ang separation ng USM-KCC, dahil sa marami naman umanong courses offering ang unibersidad at level 4 accredited pa ito.

Sa ngayon nasa House of Congress pa ang House Bill na ipinasa, na inaprubahan na ng Committee at isasalang na ito para sa plenary readings. Rhoderick BeƱez and Rizalyn Launio


2 komento:

  1. USM main campus is less than an hour travel why create another one within the province? para sabihin that's my legilation....

    TumugonBurahin