NEWS UPDATES

602nd Brigade nakiramay sa Pambansang Araw ng Pagluluksa

(North Cotabato/ February 2, 2015) ---Nakiramay ang 602nd Brigade sa Pambansang Araw ng Pagluluksa na pinangunahan ni 602nd Brigade Commanding Officer Col. Noel Clement sa mga kasamahang SAF na namatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa panayam ng DXVL News kay Col. Clement, naka half mast umano ang kanilang bandera at inaasahang magpapatuloy ito sa loob ng limang araw na syang direktiba galing sa kanilang General Head Quarters.


Dagdag pa niya, kasalukuyan umano silang nagluluksa kasama ang mga pamilya ng kanilang mga namatay na kasamahan sa PNP- SAF o kilala sa tawag na Fallen 44.

Samantala, Hiniling ng 602nd Brigade na maging vigilante ang mga mamamayan ng North Cotabato sa mga nangyayaring pamomomba sa iilang parte ng lalawigan.

Tinawag din na very unfortunate ni Col. Clement ang mga insidente ng pamomomba sa lalawigan.

Aniya, kinakausap na umano nila ngayon ang lahat ng mga stakeholders, mula care takers ng mga towers, civilian populace, local officials, at pati na rin ang mga government forces.

Nagsasagawa rin umano sila ng workshops kasama ang PNP at CAFGU Forces para sa kaalaman ng lahat. Rhoderick BeƱez and Rizalyn Launio



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento