NEWS UPDATES

P25M na halaga ng shabu, nasamsam!

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Nasamsam ng mga otoridad ang malaking halaga ng shabu sa isinagawnag operasyon ng kapulisan sa isang bahay sa Purok Malipayon, Barangay Ambalgan, Sto. Niño, South Cotabato alas-10:30 kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, abot sa P25M ang halaga ng nasabing shabu.

Sinabi ng Sto. Niño PNP na nagsagawa sila ng operasyon sa pamamahay ng mag-asawang Johny at Fatima Mantawil sa pamamagitan ng search warrant na inilabas ni Hon. Marlo C. Brasales, MCTC Presiding Judge, Norala, Sto. Niño at T’boli.

Nakumpiska ng mga ito ang siyam na jumbo pack at limang big pack at tatlong medium pack ng pinaniniwalaang shabu at isang kalibre 45 na baril na may anim na bala.

Ayon kay Fuerte, nasa P25-M ang estimated market value ng nasabing shabu na umaabot sa 2.5 kilos.

Sa ngayon patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang mag-asawa na nakatakas makaraang matunugan ang gagawing operasyon ng PNP sa kanilang bahay. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento