NEWS UPDATES

MILF kumander na namatay, hindi umano dahil sa bakbakan ng BIAF at BIFF ---MILF Civil Military Chief Von Alhaq

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2015) ---Kinumpirma ni MILF Civil Military Chief Von Alhaq na mga miyembro ng (BIAF) Bangsamoro Islamic Armed Forces na sa ilalim ng kanilang pamunuan at mga miyembro ng BIFF ang nagkakagirian at nagkasagupaan sa boundary ng bayan ng Pikit at Pagalungan.

Ito ang naging pahayag ng opisyal sa panayam ng DXVL News.


Anya, hindi umano magkasundo ang dalawang grupo sapagkat magkaiba umano sila ng hangarin at layuni ang kanilang grupo ang ng kabila.


Kinumpirma rin ni alhaq na meroon ngang namatay na isang MILF kumander ngunit namatay ito dahil sa sakit at hindi dahil sa sagupaan.

Dagdag pa ng opisyal na nagpapatuloy pa umano ang tensiyon sa lugar sa pagkat naroon pa rin ang presensya ng dalawang armadong grupo at nag-iisip na rin sila ng paraan masolusyunan ang nasabing girian. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento