NEWS UPDATES

Mga bakwit, maari ng bumalik sa kanilang lugar matapos na magsagawa ng opensiba ang militar sa boundary ng Pagalungan, Maguindanao at Pikit, Cotabato

(Pikit, Cotabato/ February 23, 2015) ---Pinayuhan ngayon ng mga militar ang libu-libung mga residente na nagsilikas na maari ng makabalik sa kanilang lugar ang mga ito anumang oras ngayong araw.

Ito ang pagtitiyak ng mga otoridad sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni Col. Orlando Edralin, ang Commanding Officer ng 7th IB.

Aniya ang isinagawa nilang military operation sa Brgy. Kabasalan sa bayan ng Pikit ay nagresulta sa pagkakataboy ng pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa lugar.  

Napag-alaman na nagsimula ang opensiba ng militar laban sa BIFF nitong Biyernes hanggang nitong Sabado upang maibalik sa normal na sitwasyon ang nasbaing mga lugar at hindi nila hahayaan na magpatuloy ang panggugulo ng BIFF sa mga nasabing lugar at iiwasan na umabot pa sa mga kalapit na barangay ang tensyon.



Wala namang may naiulat na nasugatan o namatay sa tropa ng pamahalaan habang pinaniniwalaan na marami ang nalagas sa puwersa ng BIFF bagaman hindi pa masabi ang eksaktong bilang nito, ayon pa kay Edralin.

Sinasabing ang Kagi Karialan group ng BIFF na siya ring nakasagupa ng napatay na 44 commandos ng Special Action Force (SAF) ay nagtago sa pitong barangay sa bayan ng Pikit at kalapit pang barangay pagkatapos ng madugong labanan.

Ang law enforcement operations ay upang ma­supil ang BIFF na sina­sabing may hawak na sampung baril ng SAF commandos na napaslang sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguin­danao noong Enero 25. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento