NEWS UPDATES

Mahigit 60K na halaga ng gamit, nalimas sa College of Agriculture ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Nalimas ang abot sa P60,000 na halaga ng gamit matapos na malooban ang Department of Plant Breeding and Genetics ng College of Agriculture sa University of Southern Mindanao.

Ayon sa record ng Kabacan PNP, dumulog sa kanilang himpilan ang isang Janice Laboratorio, 32 anyos, dalaga, isang laboratory aid ng nasabing departamento at residente ng USM housing.

Ayon kay Laboratorio, napansin nitong sira na ang padlock ng kanilang opisina ng pumasok ito ng kanilang opisina dakong alas 7:30 ng umaga kamakalawa.

Nangsiyasatin, doon na at nalaman nitong ninakawan ang kanilang opisina at natangay ang isang yunit ng Neo Laptop na nagkakahalaga ng P32,000 at isang Epson Projector na nagkakahalaga rin ng P32,000 na may kabuuang P64,000.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa nasabing insidente. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento