NEWS UPDATES

Mahigit 200 na mga batang naapektuhan ng pagbaha, nakatanggap ng libreng kagamitan mula sa LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Nakatanggap ng libreng kagamitan ang mga 225 na mga batang naapektuhan ng pagbaha mula sa LGU Kabacan.

Ito ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya ang pamimigay umano ng mga libreng kagamitan tulad na lamang ng mga tsinelas, laruan at damit ay nasa ilalim ng programang Handog Pagmamahal para sa mga Kabataan ng Kabacan sa pangunguna ni Municipality of Kabacan First Lady Evangeline P. Guzman.

Dagdag pa ni MSWDO Macalipat ito umano ay naglalayong mapasaya ang mga bata mula sa sampung Day Care Centers na naapektuhan ng pagbaha, na kahit sa simpleng bagay lamang umano ay maibsan ang mga negatibong dulot na dala ng pagbaha. Lynneth A. Oniot


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento