NEWS UPDATES

Mahigit 1K katao, nagsilikas dahil sa BIFF- MILF clash sa Maguindanao

(North Cotabato/ February 16, 2015) ---Tinatayang abot sa mahigit sa isang libung mga indibidwal ang nagsilikas dahil sa takot na madamay sa engkwentro sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Barangay Kalbugan, Pagalungan, Maguindanao noong Sabado, Pebrero 14.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay Col. Orlando Edralin, Commanding Officer ng 7th IB, PA, isa ang naiulat na namatay na namatay na patuloy pa nilang kinukumpirma hanggang sa kasalukyan.

Pansamantala munang nananatili ngayon sa Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato ang mga evacuees.

Maliban sa nasabing lugar, may mga nagsilikas din buhat sa Pagalungan, Maguindanao.
Sa ngayon, tensyunado pa rin ang nasabing lugar dahil sa presensiya ng mga armadong grupo.

Nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan ang grupo nina BIFF Commander Shiek Muhiddin Animbang alias Commander Karialan at MILF Commander Jack Abas na nauwi sa sagupaan.

Ito na ang ikatlong engkwentro sa pagitan ng dalawang grupo matapos ang una noong Pebrero 9 at 11.

Maaalalang umabot sa lima ang patay sa hanay ng MILF kabilang ang kanilang kumander sa panibagong engkwentro.


Patuloy pa naman na kinukumpirma ng militar ang bilang ng mga casualties. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento