NEWS UPDATES

Magkapatid, patay sa pamamaril sa Cotabato City

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dalawang magkapatid makaraang pagbabarilin sa bahagi ng Jose Lim Sr. St. corner General Corcuera, Cotabato City pasado alas otso ng umaga kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Buagas Abdul, 16-anyos at kapatid nitong si Dido Abdul, 25-anyos.

Batay sa ulat, patungo sana ang dalawang biktima sa Sunsky sa may Don Rufino St. dahil may bibilhin ang mga ito ngunit pagdating sa lugar ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng di pa nakilalang suspek.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento