NEWS UPDATES

Maagap na tugon ng BFP Kidapawan at BFP Makilala sa naganap na sunog sa bayan ng Makilalala, naging resulta sa agarang pagkaapula sa nangyaring sunog sa bayan ng Makilala

(Makilala, North Cotabato/ February 12, 2015) ---Laking pasasalamat ng alkalde ng bayan ng Makilala sa maagap ng tugon ng pinagsanib na pwersa ng BFP Kidapawan at BFP Makilala dahilan upang maapula agad ang nangyaring sunog sa Tejada Residence sa tabi ng Public Market ng nasabing bayan alas 12:15 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa panayam ng DXVL News, nadeklara umanong fireout dakung alas 2:00 nang madaling araw.


Isa umanong residencial area ang lugar ngunit wala naman umanong nasugatan o namatay sa nasabing sunog dahil agad namang nakalabas ang mga tao sa kanilang mga pamamahay.

Dalawang tindahan umano ang naabo na gawa lamang sa indigenous materials, at isang negosyante umano na may ari ng isang tindahan ang lumapit sa opisyal at sinabing nasa 160,000 ang naging danyos nito sa kanyang paninda.

Malaking tulong umano upang agarang maapula ang sunog ang naging maagap na tugon ng BFP stations ng lungsod ng Kidapawan at nang kanyang bayan kasali na rin ang mga Public Safety Officers, mga disaster volunteers at lalong lalo na ng mga residente sa lugar.

Giit pa ng Alkalde na isang magandang halimbawa umano ito na kahit anumang mga sakuna ay agad na mareresulba kung ang lahat ng tao ay magkakaisa at magtutulungan.


Sa ngayon patuloy pa umano ang kanilang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa nangyaring sunog makaraang nakapagtatakang agaran umanong sumiklab ang ito. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento