NEWS UPDATES

Lantaw 2015 showing and awarding, masasaksihan na

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Masasaksihan na ang inaabangang Lantaw 2015, “Digital Short Film Festival” na gaganapin sa University of Southern Mindanao, Gymnasium sa darating na February 7, 2015 ala- 1 ng hapon.

Ang Lantaw 2015 ay katatampukan ng dalawang pelikula- ang “HILING” by  Mockeez Avenue Productions at “BUGTAW” by Abot Kamay Ministry.

May halagang limampong piso ang ticket sa short film festival na ito para mapanood ang dalawang kalahok na pelikula at ang tatlong films na mula sa Ateneo De Davao University.

Mamimigay rin ng gadgets ang Lantaw staff pagkatapos ng awarding gaya ng flasdrives, cellphones at tablet.

Ang nasabing short film festival ay taunang isinasagawa sa loob ng pamantasan sa pangunguna ng Department of English Language and Literature , USM English Club at AB English Society.

Layunin ng Lantaw Festival, na bigyan ng tiyansa ang mga aspiring film makers sa loob ng pamantasan na ipakita ang kani- kanilang galing sa paggawa ng mga de kalidad na pelikula at hasain ang kanilang kakayanan sa larangang ito. Lorie Joy Dela Cruz


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento