NEWS UPDATES

Ilang mga armas ng BIFF, narekober ng MILF sa isinagawang clearing operations sa Pikit, Cotabato, planung i-turn-over ng MILF sa mga sundalo

(Pikit, Cotabato/ February 24, 2015) ---Narekober ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ang ilang mga armas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa isinagawang clearing operation ng mga ito kamakalawa.

Ito ayon kay Local Monitoring Team Jabib Guiabar, na siya ring tagapagsalita ng MILF North Cotabato.

Aniya, nagpaabot na ng sulat ang kanyang pamunuan sa Central Committee ng MILF upang i-turn-over sa militar ang mga narekober na armas sa nangyaring girian sa ilang brgy. sa bayan ng Pikit.

Kahapon ay tinungo ng Militar sa pangunguna ni 602nd Brigade Commanding Officer Col. Noel Clement kasama ang Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH), Local Monitoring Team, LGU Pikit sa pangunguna ni OIC Mayor Dulia Sultan ang Brgy. Kabasalan upang magsagawa ng clearing operation.

Sa panayam kay 7th IB Commanding Officer Col. Orlando Edralin na isinagawa nila ang clearing operation kasama ang EOD team ng military at K9 units upang tiyaking walang naiwang pampasabog sa lugar para ligtas na makabalik ang mga residenteng nagsilikas.

Samantala, nilinaw naman MILF spokesperson Jabib Guiabar na nagkaroon ng koordinasyon ang sundalo at MILF bago pumasok sa lugar pero walang joint operation ang military at MILF ng isagawa nila ang opensiba laban sa BIFF, layon upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa hangganan ng Pikit, North Cotabato at Pagalungan, Maguindanao.

Tiniyak naman ni OIC Mayor Sultan na posibleng ngayong araw ay makakabalik na ang bakwit sa kanilang brgy. partikular na sa Kabasalan.


Una na ring, isinailalaim ang bayan ng Pikit sa State of Calamity ayon sa LGU. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento