NEWS UPDATES

3 sugatan sa grenade blast

(Isulan, Sultan Kudarat/ February 3, 2015) ---Tatlo-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada sa pamilihang bayan ng Isulan, Sultan Kudarat noong Martes ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News Kay P/Supt. Joefil Siason, hepe ng Isulan PNP kinilala nito ang mga nasugatang biktima na sina Marlyn Vargas, 29; Abraham Sapal, 16; at ang may dala ng granada na si Rahid Demaloloy Pangilamin, 36, ng Paglat, Maguindanao.

Mabilis na isinugod sa Isulan Provincial Hospital ang mga biktima kung saan mahigpit na binabantayan ng pulisya si Pangilamin.


Ayon kay Siason, dala ni Pangilamin ang granada na nakatago sa suot na jacket nang biglang nahulog at su­mabog sa meat at fish section ng palengke bandang alas-11:15 ng umaga.

Nabalot ng tensyon at nagtakbuhan ang mga mamimili at tindero palabas ng palengke.

Nabatid na naunang isinailalim sa heightened alert ang Sultan Kudarat dahil sa ulat na pambobomba ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Rhoderick BeƱez




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento