NEWS UPDATES

DA Kabacan naglabas ng panibagong update patungkol sa Partial Crop Damage Report matapos ang malaking pagbaha

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015) ---Naglabas ng panibagong update ang LGU Department of Agriculture o DA Kabacan patungkol sa Partial Crop Damage Report matapos ang malaking pagbaha sa iilang lugar ng Kabacan kamakailan.
Ito ayon sa ibinigay na datos ni Agriculture Report Officer Tessie M. Nidoy.

Aniya ay nasa 417.66 hektarya na ng mga pananim na palay ang naapektuhan ng pagbaha sa iilang barangay kabilang na dito ang Malanduage, Aringay, Bangilan, Bannawag, Kayaga at Magatos na nasa iba’t- ibang crop stages.

Samantala, nasa 288 hektarya parin ng mais na naapektuhan ng pagbaha sa mga barangay ng Kayaga, Pedtad, Salapungan at Aringay. Rizalyn H. Launio

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento