NEWS UPDATES

500 mga residente ng Mamasapano, naka- benepisyo ng medical mission ng DOH ARMM

(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2015) ---Nakabenepisyo sa isinagawang medical mission ng Department of Health o DOH-ARMM kasama ang medical team ng Maguindanao provincial government ang abot sa mahigit 500 residente sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay DOH-ARMM secretary Dr. Kadil Jojo Sinolinding, Jr., stress at trauma ang karamihan sa nakitang problema ng medical team sa mga residente sanhi ng naganap na engkwentro sa pagitan ng MILF, BIFF at PNP-SAF noong January 25.

Nabatid na mahigit tatlong libong indibidwal ang tumanggap ng relief goods at libreng mga gamot. Nakabenipisyo rin sila sa libreng konsultasyon, at minor surgical operation.


Kaugnay nito, nanawagan si Sinolinding sa publiko lalo na sa mga magulang at kabataan na magbigay ng kahit anong bagay tulad ng mga laruan o mga damit na maari pang pakinabangan lalo na ng mga bata sa lugar. Lorie Joy Dela Cruz

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento