NEWS UPDATES

25-anyos na lalaki, pinabulagta ng riding tandem sa Cotabato City

Patay na nang madatnan ng mga otoridad ang isang tricycle driver sa Dona Teresa, Poblacion 2, Cotabato  pasado alas singko ng madaling araw kahapon.

Kinilala mismo ng kanyang kapatid ang biktima na si Uyag Bandol, 25- anyos, na taga Meriam Ville Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon sa report ni Police Station 2 Chief of Police Sr.Ins. Efren Salazar naglalakad lamang ang biktima sa nabanggit na lugar ng biglang pagbabarilin ng suspek sakay ng motorsiklo.
Nagtamo ng tama ng bala si Uyag sa kanyang katawan gamit ang di pa matukoy na uri ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya may deperensya sa pag iisip ang biktima bagay na kinumpirma naman ng kanyang kapatid kaya hirap malaman ng mga otoridad kung may naka-alitan ba ito na posibleng maging dahilan sa pagkakabaril sa kanya.

Sa ngayon naiuwi na sa bayan ng Sultan Kudarat ang ang bangkay ni Bandol habang patuloy na iniimbetigahan ang insidente.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento