NEWS UPDATES

Review Mission ng World bank sa PRDP sa Mindanao, isinagawa

Photo by: Drema F. Quitayen
(General Santos city/ January 29, 2015) ---Isinagawa ang Review Mission ng Philippine Rural Development Project o PRDP sa Mindanao sa East Asia Royale Hotel, General Santos City kamakailan.

Ayon kay Region 12 Department of Agriculture Executive Director Amalia Jayag Datukan ang PRDP ay upscale version ng katatapos lamang na Mindanao Rural Development Program o (MRDP).
Aniya, ang upscaling version na ito ay kung saan hihikayatin umano nila ang mga magsasaka na maging value processing oriented ng kanilang mga pangunahing produkto tulad ng saging, rubber, kamoteng kahoy, niyog, abaka, oil palm, halamang dagat, cacao, mangga at kape upang hindi na nila ito ibigay sa traders at assemblers.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong maiangat ang income ng mga mamamayan sa rural areas at mapababa ang antas ng kahirapan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng  iba’t-ibang enterprise development, maliliit na negosyo at proyektong pang-imprastraktura at pangkabuhayan para sa mga magsasaka at mangingisda sa Pilipinas.

Ang pondo ay mangagaling sa World Bank, na babahagian ng 20 % galing sa Provincial LGU at 20% rin galing sa National Government. Rizalyn Launio

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento