NEWS UPDATES

Rape Suspek sa Matalam, North Cotabato; arestado!

(North Cotabato/ January 4, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng otoridad ang isang tatay na responsable sa panggagahasa sa mismong anak nitong 10-anyos sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group-North Cotabato habang pauwi sa bahay nito sa Sitio Buguak, Brgy. Kibia, Matalam, North Cotabato alas 2:45 ng hapon kahapon.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Jimmy Cañedo Herbolingo, 37-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.


Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Alandrex Betoya, ang Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Regioan, Kabacan, Cotabato.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong panggagahasa at pang-aabuso partikular sa Sec 10 ng RA 7610.  

Nahuli ang suspek sa pinagsanib na pwersa ng Matalam PNP at ng CIDG North Cotabato na pinangunahan nina SP03 Froilan Platon ng CIDG North Cotabato, CIS Carino Burlat at nina P03 Ricardo Senses, PO3 Ian Ledesma at P01 Johnrey Quebuyin.

Matagal na ring minamanmanan ng mga otoridad ang suspek at habang pauwi ito kahapon sa kanialng bahay ay agad na inaresto Herbolingo at dinala sa himpilan ng pulisya. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento