NEWS UPDATES

Police asset, itinumba!

(North Cotabato/ January 10, 2015) ---Pinaniniwalaang ang pagiging impormante nito sa kapulisan hinggil sa pagsusumbong ng mga nagtutulak ng illegal na droga ang posibleng dahilan ng pagkakapaslang sa 60-anyos na Purok President sa Kidapawan City, kahapon.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, pinuno ng Kidapawan City Police ang biktima na si Duya Santos, Purok President ng Phase 2, Habitat subdivision, Kidapawan City.


Ayon sa Police city Director na ang biktima ay “tiktik” ng mga kapulisan sa kanilang lugar hinggil sa talamak na bentahan ng illegal na droga sa kanilang lugar.

Pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay habang sakay ng kanilang tricycle papunta sana ng city proper, ayon naman kay Mila Maruhom, ang anak na babae ng biktima.

Sa ulo at sa katawan nito tinamaan si Santos na naging dahilan ang agaran nitong kamatayan. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento