NEWS UPDATES

Pagtatanim ng mga kahoy at kawayan sa tabing ilog ng Kabacan, isinusulong ng isang konsehal sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2015) ---Ipinanukala ngayon ni Councilor Jonathan Tabara chairman ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang paghihiling sa mga mamamayan na nakatira sa tabing ilog ang pagtatanim ng punongkahoy partikular na ang biennial trees at kawayan. 

Aniya ang kawayan ay madaling tumubo at madaling tumaas ang ugat at ang biennial trees ay may holding capacity.


Paliwanag pa ni Tabara na nagkaroon umano ng proposal noon na policy advocacy na magkaroon ng inter LGU cooperation sa pag aalaga ng mga ilog sa probinsya ng Cotabato na nangangailangan ng provincial policy intervention sapagkat ang pulangi river ay nasasakupan ng ilang probinsiya.

Aniya ang ganitong panukala ay pang matagalang solusyon sa problema ng pagbaha sa Bayan ng Kabacan.

Ginawa ng opisyal ang hakbang matapos ang mag nagdaang flashflood at pagbabaha sa bayan ng Kabacan na nag-iwan ng maraming pinsala sa kabahayan at pananim ng ilang mga residente kungsaan abot sa apat na libu mahigit na residente ang naapaktuhan ng baha.

Nanawagan din si Tabara na makilahok ang mga mamamayan ng Kabacan sa pagtatanim ng mga puno. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento