NEWS UPDATES

Outcome Base Education o OBE, nakatakdang talakayin bukas para lalo pang mapa-angat ang kalidad ng edukasyon sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Planu ngayon ng pamunuan ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao na repasuhin ang ilang mga curriculum upang ma-i-angkop ito sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa Unibersidad.

Ilan lamang ito sa mga hakbang na ginagawa ni USM Pres. Francisco Gil N. Garcia para lalo pang mapa-angat ang kalidad ng edukasyon sa USM.


Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang program sa DXVL ang Unibersidad Serbisyo at Mamamayan o USM na mapapakinggan tuwing Sabado alas 6:00 hanggang alas 7:00 ng umaga.

Inilahad din ng Pangulo ang iba pang dapat na maisaayos sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa loob ng pamantasan.

Isa na dito ang gagawin nilang pagpupulong bukas January 14 kasama ang Commissioner on Higher Education upang talakayin ang tungkol sa Outcome Base Education o OBE.


Maliban dito, planu rin ni Dr. Garcia na paiigtingin pa ang accreditation process, hindi lamang sa lokal kundi dapat maging accredited din daw umano ang pamantasan sa isang International Accrediting Agency nang sa ganon ay makilala rin ang kanilang mga graduates sa ibang bansa. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento