NEWS UPDATES

OSCA Kabacan may panawagan sa mga Senior Citizen na wala pang Philhealth na magtungo sa kanilang opisina

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015) ---Nanawagan ang Office of Senior Citizen Affairs o OSCA Kabacan sa mga Senior Citizens na hindi pa nakakafill-up ng PhilHealth Membership form na pumunta na sa kanilang tanggapan, ito ay ayon sa panayam ng DXVL News kay OSCA Chairman, Nenita B. Sunsay.

Ayon kay Sunsay, kailangan na umanong magfill-up ng mga Senior Citizens dahil isusumite na umano niya ang listahan ng unang batch ng mga Senior Citizen PhilHealth Members ditto sa Kabacan


Dagdag pa niya, ang pamimigay umano ng libreng PhilHealth Membership sa mga Senior Citizens ay isang programa ng gobyerno. Lynneth A. Oniot


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento