NEWS UPDATES

Misis, utas sa lasing na Mister

(Maguindanao/ January 3, 2015) ---Kalaboso ang isang mister makaraang inundayan ng saksak ang mismong Misis nito sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Sa report ng Parang PNP Kinilala ang biktima na si Hermilinda Manggubat, 50 anyos habang ang suspek na mister nito na si Apolinario Tonatos, 50 anyos.

Lumalabas sa inisyal na pagsisisysat ng mga kapulisan na nakainum na ang mag asawa ng magkasagutan hanggang sa humantong sa pananaksak kungsaan nagtamo ng saksak ang biktima sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang kamatayan.



Patuloy pa ngayon ang ginagwang imbestigasyon ng mga otoridad. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento