NEWS UPDATES

Kasambahay, itinumba!

(North Cotabato/ January 5, 2015) ---Pinabulagta ng mga di pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang isang kasambahay matapos barilin sa loob mismo ng bahay nito sa Purok Bonifacio, Barangay Cinco, Banga, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Dave Lemuel Mendiola biente sais anyos.

Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng Banga PNP habang kumakain ng pananghalian ang biktima pumara ang isang motorsiko sa harap ng
kanilang bahay at paglabas pa lamang ni Mendiola ay binaril ito ng dalawang lalakai sakay ng motorsiklo.


Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang  cartridge at anim na slugs ng 45 pistol na posibleng ginamit sa krimen. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento