NEWS UPDATES

Kabacan, muling binalot ng bomb scare

Photo courtesy By: Eduard Salinas, PCC-USM
(Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2015) ---Negatibo sa anumang pampasabog ang nakitang suspected IED sa panulukan ng Diego Silang St., at National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato bago mag alas-8:00 ngayong umaga lamang.


Sa nakalap na report ng DXVL News, isang lata na naglalaman ng pagkain ang laman ng nasabing suspected na baggage.
Agad namang kinordon ng mga kapulisan ang paligid at pansamantalang nagkaroon ng rerouting sa mga dumaang motorista sa National Highway.

Alas 8:20 ng passable na ang National Highway at balik normal na ang sitwasyon sa pangunahing lansangan ng Kabacan.

Pinasalamatan naman ng mga otoridad ang pagiging vigilante ng mga mamamayan at maagap na pagreport ng mga kaduda-dudang mga bagay sa paligid. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento