NEWS UPDATES

Clearing of irrigation canals isinusulong ng mga magsasaka sa Distrito Uno ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ January 6, 2015) ---Nais ng mga kasapi ng irrigators associations sa Distrito Uno na matutukan ang clearing of drainage canals at maisaayos ang daluyan ng patubig ngayong 2015.

Ito ang idinulog ng mga farmer- irrigators na dumalo sa year- end consultation meeting na pinangunahan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan.

Ginanap ang pagpupulong noong December 29, 2014 sa Kapayapaan Hall dito sa bayan kung saan abot sa humigit kumulang 200 mga magsasaka ang dumalo.

Lumahok din sa konsultasyon ang mga opisyal ng National Irrigation Administration -Libungan River Irrigation Sytem o NIA- LibRIS.

Kabilang sa mga lugar na nais matutukan ang clearing of irrigation canals ay ang Barangay Palongoguen dito sa Midsayap; Barangay Sinawingan at Gumaga sa bayan ng Libungan; at mga Barangay ng Tigbawan, Buluan, at Poblacion 2 sa Pigcawayan.


Sisikapin naman ng tanggapan ng kongresista na suportahan ang nasabing pagsasaayos sa pamamagitan ng food-for-work activities.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento