NEWS UPDATES

BBL, walang kinalaman sa nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao

(Kabacan, North Cotabato/ January 29, 2015) ---Wala umanong kinalaman ang Bangsamoro Basic Law sa nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL News Kay MILF Vice-Chairman for Political Affairs Ghazali Jaafar.

Aniya ay ang mga tao umano ang may kasalanan sa nasabing sagupaan at dapat umanong magsagawa ng imbestigasyon upang malaman kung sino at at ano ang totoong pinag- ugatan ng naturang pangyayari.

Sinabi niya na mayroon mekanismo na dapat sinunod ang magkabilang grupo bago isinagawa ang bakbakan.

Dapat na nirespeto daw ang Ceasefire Agreement, na ito umano ang kasunduan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front O MILF at ng Gobyerno ng Pilipinas.

Ito ay ang pagkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng MILF at ng Gobyerno bago isagawa ang sagupaan.

Giit naman ni Jaafar na mayroong nangyaring hindi tama sa naturang bakbakan sapagkat sa impormasyon umano sa kanila ay pati ang mismong Pangulong Benigno Aquino ay walang kaalam alam sa naturang pangyayari.

Sinabi rin ni Jaafar na wala umanong naitulong ang ginawa ni Senador Marcos upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Sa halip ay mababalam lamang nito ang pag- apruba ng BBL at ang resulta umano ay mananatili ang Mindanao sa kasalukuyan nitong kalagayan at hindi lamang ang Mindanao ang maaapektuhan kundi ang buong Pilipinas. Lorie Joy Dela Cruz

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento