NEWS UPDATES

Bagong version ng BBL posibleng mailalabas sa Marso

(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Kasalukuyan pa ring nakasalang sa kongreso at senado ang Bangsamoro Basic Law o BBL draft ayon kay Atty. Al Jukipli ang legal team ng panel.

Inihayag ni Jukipli sa BBL forum na ginanap sa Amas Provincial Capitol rooftop na may mga consultation pa at public hearing na naka schedule sa kongreso at senado at posibleng sa Marso pa mailalabas ang approved enrolled version ng BBL na maari nang lagdaan.

Ipinaliwanag din ni Jukipli na ang mga ipinamamahagi at tinatalakay na BBL ay hindi pa ang final form nito at maari pang mabago. 


Dagadag pa niya na naka schedule na ang posibleng petsa ng plebisito.

Samantala, gaganapin naman ngayong buwan ang symbolic turn over ng pagbaba ng mga armas ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF alinsunod sa decommissioning process.

Ito ang inihayag ni Atty. Al Jukipli ang GPH-MILF member ng legal team sa isang information Education campaign ng Bangsamoro Basic Law o BBL na pinangunahan ng provincial government sa pamumuno ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City kahapon ng umaga.

Ipinaliwanag din ni Jukipli ang tungkol sa decommissioning process at binanggit din niya na ang mangagasiwa nito ay independent third party body na kabibilangan ng international at lokal experts. Rhoderick BeƱez and Christine Limos


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento