NEWS UPDATES

28 bagong multi-cabs ipamamahagi sa iba’t-ibang bayan sa Cotabato

AMAS, Kidapawan City (Jan. 10) – Abot sa 28 mga bagong multi-cabs ang nakatakdang i-turnover ng Provincial Government of Cotabato sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato.

Gagawin ang formal turnover sa Lunes, Jan. 12, 2015 sa Provincial Capitol, Brgy. Amas, Kidapawan City kung saan mismong si Cot. Gov. Emmylou “Lala” J. Taliñ-Mendoza ang mangunguna.

6 na units ng multicab ang ibibigay sa Banisilan, 3 sa M’lang, 2 sa Arakan, 9 sa Makilala, 2 sa Alamada, 1 sa Midsayap, 3 sa Pigcawayan at 1 sa Kidapawan City.


Bawat multi-cab ay nagkakahalaga ng P220,000 at mula ito sa Capital Outlay o pondo ng Provincial Government of Cotabato.

Dadalo sa turnover ang mga alkalde o representante ng nabanggit na mga bayan ganundin ang mga mismong officials ng mga benepisyaryong  barangay.

Ayon kay Gov. Taliño-Mendoza, layon ng pamamahagi ng mga multi-cab ay upang mapabilis ang pagresponde ng mga opisyal ng barangay sa mga emergency situations at mapahusay pa ang transportation system ng bawat barangay.

Kaya naman kailangan din raw na ingatan at alagaan ng mga barangay officials ang mga multi-cab at tiyaking sa wastong paraan ito gagamitin.

Lalagda naman sa Memorandum of Agreement o MOA ang mga barangay officials kung saan nakasaad ang mga alituntunin sa paggamit ng multi-cab.

Kahapon ay ginawa ang blessing ng naturang mga sasakyan sa pangunguna ni Fr. Antonio Lupiba, DCK, Parish Priest ng The Good Sheperd Quasi-Parish ng Brgy. Amas na dinaluhan din ng mga department heads ng Provincial Capitol. (JIMMY STA. CRUZ/PGP Media Center)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento