NEWS UPDATES

RHU Kabacan, nagpaalala sa mga mamamayan na maging malinis sa katawan upang makaiwas sa Hepatitis A

(Kabacan, North Cotabato/ November 25, 2014) ---Nagpapaalala ngayon ang pamunuuan ng Rural Health Unit ng Kabacan, matapos na magposisitibo sa sakit na Hepatitis A ang isang guro at labingpitong mga estudyan te sa Lumayong High School Brgy. Kayaga, kamakailan.

Ayon kay RHU Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, labing walo sa tatlumpot isang kaso ang nag positibo sa nasabing sakit.


Bahagyang ikinabahala ng mga residente sa lugar ang paninilaw ng karamihan sa mga estudyante sa nasabing paaralan kamakailan.

Dagdag pa ni Cabellon, na hindi pa nila matukoy kung saan talaga nagsimula ang nasabing pagkalat ng sakit.

Ang Hepatitis A ay maaring mapasa sa pamamagitan ng mga pagkain o pag inum ng tubig na na kuntaminado ng Hepatitis A Virus na maaring nahawakan ng may sakit nito na hindi maiging naghugas ng kanyang kamay pagkatapos magdumi.

Nagkaroon na umano ng Information Drive ang RHU kasama ang IPHO sa mga magulang ng mga estudyante sa nasabing paaralan hinggil sa mga sanhi ng sakit at kung paano ito naipapasa.


Payo naman ni Cabellon sa mga mamamayan na I-observe ang proper handwashing, proper hygiene, o kung maari ay sa paaralan na magdala at inumin ang sariling tubig, at magdala at kainin ang sariling pagkain para makaiwas sa nasabing sakit. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento