NEWS UPDATES

Pampasaherong Van at Trisikad nagkabanggan, 1 sugatan

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2014) ---Sugatan ang isang sales lady habang wasak naman ang harapan ng pampasaherong Van makaraang aksidenteng nagkabanggaan sa bisinidad ng National Highway ng Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato kagabi.

Sa report ng Kabacan PNP Traffic Division kinilala ang sugatang pasahero na si Marilyn Stremos lulan ng Tricycle.

Ayon sa report tinatahak ng nasabing Van na may plakang MFX 758 ang National Highway ng aksidenteng mabangga sa tricycle na may license plate 135203 na minamaneho ni Richard Villaruel.

Dahil sa lakas ng impact wasak ang harapan ng Van kasama na ang headlight nito.

Sa ngayon nasa kustodiya ngayon ng Kabacan PNP ang dalawang sasakyan habang nagpapatuloy ang ginawang imbestigasyon.


Kunektado ka sa mga balita mula sa Kabacan PNP Traffic Division Desiree Baylon DXVL News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento