NEWS UPDATES

Magsasaka, arestado sa illegal na droga

By: Mark Antony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2014) ---Kalaboso ngayon at naghihimas ng rehas na bakal ang isang magsasaka matapos mahuli sa isang Drug Buy Bust Operation sa bahay nito sa Antonio Luna Street, Purok Masagana, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Police Senior Inspector Jarwin Castroverde, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Edwardo Villanueva alyas “Junjun”, 30 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.


Ayon sa report, nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at marked money.

Nakatakda namang iturn-over sa Provincial Crime Laboratory sa Lungsod ng Kidapawan ang nakuhang ibedinsiya para sa eksaminasyon.

Kasalukuyan ngayong nakapiit sa Kabacan PNP Lock-up Cell ang suspek habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act na kakaharapin ng suspek.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento