NEWS UPDATES

School Principal, sugatan sa pamamaril sa Antipas, Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng isang school principal makaraang pagbabarilin sa bisinidad ng Purok 4, Brgy. New Pontevedra, Antipas, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Flabio Zaragosa, Principal ng Salat Elementary School sa bayan ng Pres. Roxas.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo ng sinundan ng riding tandem at walang abu-abung pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa di pa matukoy na uri ng baril dahilan para isugod ito sa pinakamalapit na bahay pagamutan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Antipas PNP upang mahanap at mapanagot ang responsable sa krimen at alamin ang totoong motibo sa nasabing insidente.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento