NEWS UPDATES

OPA Namahagi ng Dekalidad na Budded Rubber Seedlings

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan city/ November 5, 2014) ---Bilang bahagi ng Industrial Crops Development Program ng lalawigan ng Cotabato, namahagi kamakailan (10/22-23/14) ng 13,000 piraso ng dekalidad na budded rubber seedlings ang Office of the Provincial Agriculturist para sa 16 na farmer recipients mula sa mga bayan ng Carmen, Tulunan at Libungan.

Sa pamamagitan  nito, inaasahang lalawak pa ang lupaing natatamnan ng rubber at tataas pa ang produksiyon ng latex dito sa lalawigan na makapagbibigay ng sustainable income sa mga magsasaka ng goma.

Ang mga rubber seedlings na naipamahagi ay patuloy na imomonitor ng mga technicians ng OPA upang siguradong mabubuhay ang mga ito at makaraan ang isang taon ay i-vavalidate ang survival rate ng seedlings na ipinamahagi. 

Kung umabot sa 75% ang survival rate ay libre na ang seedlings na ipinamahagi at wala ng babayaran ang recipient.

Ang Rubber Development Program ay mahalagang component ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza upang tulungang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga rubber farmers sa lalawigan ng Cotabato.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento