NEWS UPDATES

150K, natangay sa isang guro

(Kabacan, North cotabato/ October 29, 2014) ---Abot sa P150,000 ang natangay mula sa isang guro makaraang malooban ang kanilang bahay sa Brgy. Malamote, Kabacan, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Filomena Pasarillo, 36-anyos at residente ng nasabing lugar.

Kabilang sa mga nalimas ay ang kanyang laptop, printer, packing backpack at mga alahas nito.

Batay sa ulat isang sundalo ang na kasapi ng Bravo company ang itinuturong suspek ng biktima na ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento