NEWS UPDATES

USM, magdiriwang ng kanyang ika-62nd founding anniversary ngayong araw

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 1, 2014) ---Ipagdiriwang ng University of Southern Mindanao ang ika-62nd Founding Anniversary nito, ngayong araw.

Batay sa opisyal na programa na inilbas ng Pamantasan, isinagawa ngayong umaga ang Street at Float Parade kasabay ng Floral offering sa bantayag ni Honorable founder Bai Matabay Plang.

Alas 8:00 naman mamaya ay gagawin ang Anniversary Convocation program kungsaan magiging guest of honor and Speaker si Cotabato Gov. Emmylo “Lala” Taliño Mendoza.

Kaugnay nito, gagawaran naman ng parangal ang mga outstanding USM alumni.

Ang 2014 USM/MIT Outstanding Alumni Awardees sa larangan ng Education: Dr. Samson Molao, BA Islamic Studies, 1992; MPS in Development Education, 1995 at Doctor of Education, 2000 kapareho ring parangal ang igagawad kay Mr. Miguel Fillalan, BS Chemistry, 1989; MPS in Development communication.

Research: Dr. Girley Santiago-Gumanao, BS Biology-1988

Extension: Dr. Jesusa Ortouste; BS Agriculture, 1983; MS agriculture Education, 1998


Administration: Mr. Bonifacio Pales, BS Agriculture, 1978; Engr. Alejandro Alberca, BS Agricultural engineering, 1979 at Engr. Orlando Tibang, 1979. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento