NEWS UPDATES

Sikad na, ninakaw; narekober sa Kabacan!

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Narekober ng Kabacan PNP ang isang ninanakaw na trysikad sa bahagi ng Sinamar 2, Kabacan, Cotabato alas 8:30 kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Kabacan PNP, ang narekober na sasakyan ay isang Ymaha STX 125 na may license plate MO 9272.


Ang nasabing sasakyan ay tinangay ng di pa nakilalang suspek sa bahagi ng Purok Krislam linggo ng tanghali habang ipinarada lamang ng drayber na si Dats Lidasan Sundang sa isang kalye sa nasabing lugar at pagbalik nito ay wala na.

Agad na nagsumbong ang mga biktima sa Kabacan PNP bagay namang nagkasa ng operasyon ang kapulisan at tuluyan itong narekober sa Sinamar 2 kahapon.

Posibleng di nakalabas ang suspek sa bayan ng Kabacan dahil sa mahigpit na pagbabantay sa lahat ng lagusan makaraang maka-radyo ang mga ito sa mga checkpoint sa bayan.

Sa ngayon ay nakatakdang i-turn-over ang nasabing sasakyan sa may-ari. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento