NEWS UPDATES

Pagbuo ng Rubber’s Farmer Association, hinikaya’t ng mataas na opisyal ng pagsasaka para matutukan ang bumababang presyo ng goma sa North Cotabato

(Kabacan, Cotabato/ October 22, 2014) ---Iginiit ngayon ng pamunuan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon na palakasin ang grupo ng mga magsasaka ng goma sa mga barangay kung saan nag-poproduce ang mga ito.

Ito ang sinabi ni Department of Agriculture XII Regional Execuitive Director Amalia Jayag Datucan sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng nakatakdang pagdating ni Secretary Alacala ngayong araw.

Aniya, iba’t-ibang hakbang na ang ginagawa ng kanyan pamunuan upang matugunan ang bumababang presyo ng goma sa lalawigan ng North Cotabato.

Kamakailan lamang ay nagpatawag na rin ng pagpupulong ang opisyal sa mga rubber farmers and growers sa probinsiya kasama na ang mga consultan mula dito sa bayan ng Kabacan.

Kabilang sa mga rekomendasyon sa nasabing forum ay ang pagtututok sa barangay lebel kung saan bubuo ng matibay na rubber farmer/growers association.

Maliban pa sa bubuuing grupo na magsasagawa ng negosasyon sa mga bagong buyers na papasok upang bumili ng goma.


At ang linkages sa mga ultimate rubber producers na tutulong sa pag-papaangat sa kalidad ng goma ng lalawigan, ayon pa sa Director.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento