NEWS UPDATES

Mga sundalong nag-inspeksiyon sa sasakyang ng rape suspek sa Pikit, hindi kilala si Andy Montawal

(Pikit, Cotabato/ October 8, 2014) ---Aminado si Philippine Army's 6th Infantry Division spokesperson Col. Dickson Hermoso na hindi kilala ng mga sundalo si Andi Montawal habang iniinspeksyon ang sinasakyan nito sa Pikit, North Cotabato noong nakaraang linggo.

Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang pamilya Montawal ang may-ari ng sinasakyan ni Andi nang ito ay maharang sa bayan ng Pikit noong nakaraang linggo, ayon kay Hermoso.

Ipinaliwanag din ni Hermoso na hindi pinaputukan ng mga sundalo ang sasakyan ni Montawal habang papalayo na ito dahil maraming bahay sa paligid at mga sasakyang dumadaan kaya natakot ang mga ito na baka may madamay.

Aniya, alam ng mga Army officials ng 6th Infantry Division na mayroong kasong rape si Montawal pero hindi nila nakita ng personal o alam man lamang kun ano ang itsura nito at lalong wala silang kopya ng standing warrant of arrest nito.

Kaugnay nito, inatasan naman ni 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Edmundo Pangilinan ang 7th Infantry Battalion na magsumite ng komprehensibong ulat hinggil sa pangyayari. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento