NEWS UPDATES

Habal habal drayber, pinaslang sa Cotabato City

(Cotabato City/ October 27, 2014) ---Patay ang isang habal habal driver matapos barilin ng di pa nakikilalang suspek sa basahagi ng Burma Heko, Purok Pinagsamahan RH 2, Cotabato City 12:50 ng hapon noong sabado.

Kinilala ni Cotabato City Police Station 1 Commander Sr. Ins. Efren Salazar ang biktima na si Garry Lu, 44 anyos, may asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report sakay si Lu sa kanyang Yellow Honda XRM na may plate number 9849 QN.habang namamasada nang pumara at sumakay ang suspek na nagpanggap bilang pasahero at pagsapit sa nabanggit na lugar ay dito na binaril sa ulo ang biktima at tinangay pa ang kanyang motorsiklo.

Mabilis namang tumakas  nang suspek matapos ang nangyaring krimen.

Sinabi ni Salazar na ito ang unang insidente ng pang-aagaw motrsiklo sa kanilang area of responsibility na pasahero ang suspek at pinatay pa ang biktima. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento