NEWS UPDATES

Global Hand washing Day Celebration ng Cotabato Province Schools Division, isasagawa sa Midsayap, Cotabato

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Gaganapin ang selebrasyon ng DepED Cotabato Division ang Commemoration ng Global Hand Washing day sa Midsayap, Cotabato ngayong darating na October 30, 2014.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas kasabay ng Global Handwashing day celebration kahapon.

Anya lalahukan ito ng mga personahe mula sa kanilang kagawaran, Provincial Government of Cotabato at district at field offices ng Department Education ng Midsayap.

Kasabay umano ng selebrasyon ang pamimigay ng hand washing materials mula sa Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Lala Talino Mendoza.

Dagdag pa ng opisyal, na layunin ng naturang programa ay para ipaalam at maisali sa pag-aaral ng mga kabataan ang kahalagahan ng tamang paghuhugas ng kama hindi lamang sa kanilang paaralan kundi pati narin sa kanilang pang araw araw na gawain.


Upang mapalakas pa ang kampanya hinggil sa wastong paghuhugas ng kamay tungo sa mas malusog na komunidad. DXVL News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento