NEWS UPDATES

Ginang, ninakawan sa Midsayap, Cotabato

(Midsayap, cotabato/ October 9, 2014) ---Abot sa mahigit limampung libong pisong halaga ang natangay ng tatlong mga kalalakihan sa isang babae sa Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato.

Ayon ka Midsayap PNP chief of Police Supt. Reynante Delos Santos, bitbit ng biktimang si Erlinda Torino, 44 anyos taga brgy. Malamote sa bayan ng Midsayap ang 54 thousand pesos para i-deposit sana sa banko.

Ang naturang halaga ay mula sa mga miembro ng kooperatiba na residente rin sa lugar.

Nabatid na pagdating ni Torino sa bahagi ng Poblacion uno ay nilapitan sya ng mga suspek at hinampas ng matigas na bagay sa kanyang ulo.

Nanlaban pa umano ang biktima sa mga suspek subalit natangay pa rin ang kanyang dalang bag kung saan nakalagay ang libong pera at mabilis na tumakas.

Ngayon ay patuloy pang nagpapagamot ang biktima sa pagamutan sa bayan ng Midsayap habang patuloy ring pinaghahanap ng otoridad ang mga responsable sa naturang krimen.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento