NEWS UPDATES

Estudyante, inutas

(Pikit, Cotabato/ October 13, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 19-anyos na College Student makaraang pagbabarilin sa Brgy. Takepan, Pikit, Cotabato alas 12:00 kahapon ng tanghali.

Sa report ng Pikit PNP kinilala ang biktima na si Michael Deocampo isang graduating Automotive student ng ILINK College of Science & Technology na binawian na rin ng buhay bandang alas 5:00 kahapon ng hapon.

Sinabi ni Punong Barangay Andrew Lumibao binabaybay ng biktima ang national highway pauwi ng ratratin ng mga di pa nakilalang mga suspek.

Dagdag pa nya na agaw motorsiklo ang motibo ng naturang kriminal.

Hustisya at katarungan naman ang sigaw ng pamilya ng biktima at ng pamunuan ng I-LINK College of Science & Technology sa naturang pangyayari. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento