NEWS UPDATES

DTI puspusan ang information campaign tungkol sa ASEAN Economic Community

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ October 22, 2014) ---Nagsagawa kamakailan ng talakayan ang Department of Trade and Industry o DTI tungkol sa mga inisyatibong ginagawa ng pamahalaan tungo sa pagtahak ng Pilipinas sa ASEAN Economic Community o AEC sa susunod na taon.

Ginanap ang forum sa Midsayap, North Cotabato kung saan iba’t- ibang grupo mula sa sektor ng edukasyon, pangangalakal, at serbisyo publiko ang dumalo.


Partikular na pinag- usapan ang magiging epekto ng ASEAN economic community lalu na sa trade in goods and services sa bansa. Aminado rin ang DTI na ang smuggling ay isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng gobyerno. Ngunit positibo ang ahensya na sa
pamamagitan ng mga kasunduan ng ASEAN ay mapababa kung hindi man matigil ang mga kaso ng smuggling.
Samantala, ipinamahagi rin ng DTI- North Cotabato Provincial Office ang AEC Primer upang mabasa at maintindihan ng mga dumalo ang konsepto at kahalagahan ng pagiging isang economic community ng mga bansang sakop ng ASEAN region.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento