NEWS UPDATES

Daan-daang mga Matatanda, dumalo sa selebrasyon ng Senior Citizen week sa bayan Mlang

By: Ma. Cristine Limos

(Mlang, Cotabato/ October 2, 2014) ---Daan-daang matatanda galing sa tatlumput pitong baranggay ng Mlang ang dumalo sa selebrasyon ng Senior citizen's week kung saan naging highlight ng selebrasyon ang parada noong Miyerkules ng umaga.

Binigyang-diin ni Mayor Joselito Piñol sa kanyang mensahe sa harap ng daan-daang senior citizen na malaki ang kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng Mlang sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng bayan.


Ang kontribusyon ng senior citizen sa pag-unlad ng bayan ay magsisilbing legacy na maipagmamalaki ng mga ito sa kanilang mga anak at apo, dagdag pa ni Piñol. 

Inanunsiyo din ng opisyal na ang buwanang pension ng mga ito ay makukuha na sa ikalawang linggo ng Oktubre. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento