NEWS UPDATES

Cotabato Province, isinailalim na sa State of Calamity

(Amas, Kidapawan City/ October 2, 2014) ---Maaari nang gamitin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC ang kanilang quick response fund matapos na inilagay sa state of Calamity ang lalawigan.

Dahil dito maaari ng mabigyan ng karagdagang tulong ang mga pamilyang biktima ng lindol noong September 20.

Isinailalim na sa State of Calamity ang North Cotabato batay sa inilabas na resulta ng sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Martes.

Ang hakbang ay ginawa ng SP matapos ang pinsalang iniwan ng 5.2 Magnitude na lindol sa probinsiya.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC na sampung mga barangay sa bayan ng Makilala ang naapektohan ng lindol habang pitong barangay naman ang naapektohan sa bayan ng Tulunan.

Sa inisyal na datos ng PDRRMC mahigit 200 pamilya, mahigit 70 totally damaged na bahay, 18 partially damaged na bahay, ilang mga public structures tulad ng health centers, kapilya, mini-gym, bodega at barangay hall. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento